Ang malikhaing pagsusulat ay anumang pagsusulat na lumalabas sa mga hangganan ng karaniwang prupesyunal, pampamamahayag, pang-akademiya, o teknikal na mga anyo ng panitikan, na pangkaraniwang nakikilala sa pamamagitan ng pagbibigay ng diin sa kagalingan o kasanayang pangpagsasalaysay, pagpapaunlad ng tauhan, at paggamit ng mga tropong pampanitikan. Dahil sa kaluwagan ng kahulugan, maaari para sa pagsusulat na katulad ng mga tampok na kuwento upang maituring bilang malikhaing pagsusulat, bagaman nakapailalim ang mga ito sa pamamahayag, dahil sa ang nilalaman ng mga tampok ay tiyakang nakatuon sa pagsasalaysay at pagpapaunlad ng tauhan. Ang mga akdang kathang-isip at hindi kathang-isip ay kapwa sumasailalim sa ganitong kategorya, kasama na ang mga anyong katulad ng mga akdang-buhay, mga talambuhay, mga maiikling kuwento, at mga tula.
Ang tula ay binubuo ng mga saknong at ang mga saknong naman ay binubuo ng mga taludtod. Ang tula ay isang anyong pampanitikan na nagpapahayag ng damdamin at mga bagay na nasa isip ng manunulat gamit ang mga salitang maririkit at matalinhaga.
Halimbawa Ng Malikhaing Pagsulat />
§ Ang ritmo ay karaniwang natatagpuan sa tula at maaari rin itong matagouan sa ilang akdang drama at prosa. Ito ay pattern ng stress at unstressed beats
Pagtuturo Ng Pagtula At Malikhaing Pagsulat Sa Hayskul.pdf
§ Ito ay ang sinusukat na daloy ng mga salita at parirala tulad ng sinusukat ng kaugnayan ng mahaba at maikli o stress at hindi nabibigkas na pantig.
Ang sukat ay ang bilang ng pantig ng bawat taludtod na bumubuo sa isang saknong. Ang pantig naman ay tumutukoy sa paraan ng pagbasa.
Ang tula ay sinasabing may tugma kapag ang huling pantig ng huling salita ng bawat taludtod ay magkasing tunong. Ito ay nakakaganda sa pagbigkas ng tula. Nagbibigay ito ng himig at indayog sa tula.
Pinagyamang Pluma Malikhaing Pagsulat, Hobbies & Toys, Books & Magazines, Textbooks On Carousell
Ang Dula ay hango sa salitang Griyego na “drama” na nangangahulugang gawin o ikilos. Ito ay isang pampanitikang panggagaya sa buhay upang maipamalas sa tanghalan.
Ayon kay Sauco, ito ay isang uri ng sining na may layuning magbigay ng makabuluhang mensahe sa manonood sa pamamagitan ng kilos ng katawan, dayalogo at iba pang aspekto nito.
Ayon naman kanila Schiller at Madame De Staele, ito ay isang uri ng akdang may malaking bisa sa diwa at ugali ng isang bayan.
Analisis At Sintesis Ng Anim Na Uri Ng Pagsulat
Tulad ng iba pang mga panitikan, karamihan sa dulang itinatanghal ay hango sa totoong buhay. Inaangkin nito ang lahat ng katangiang umiiral sa buhay gaya ng mga tao at suliranin. Inilalarawan ng dula ang mga damdamin at pananaw ng mga tao sa partikular na bahagi ng kasaysayan ng bayan.
Siya ang nagpapakahulugan sa iskrip. Ang nagi-interpret ng iskrip at nagpapasya ng mga kakailanganin gaya ng damit ng tauhan, lugar ng tagpuan at maging sa paraan ng pagganap at pagbigkas ng mga dayalogo ng tauhan.
Ang dula ay mayroong iba’t ibang uri. Ito ay ang Komedya, kung saan puro katatawanan ang tema. Trahedya, ang eksena dito’y karaniwang malungkot at minsan ang mga bida’y namamatay o nabibigo. Parsa, Kapag puro tawanan at walang saysay ang kwento, at ang mga aksyoon ay puro “Slapstick” na walang ibang ginawa kundi magpaluan at maghampasan at magbitiw ng mga kabalbalan. Parodya, Kapag mapanudyo, ginagaya ang kakatwang ayos, kilos, pagsasalita at pag-uugali ng tao bilang isang anyo ng komentaryo, pamumuna o kaya ay pambabatikos na katawa-tawa ngunit nakakasakit ng damdamin ng pinauukulan. Proberbyo, Kapag ang isang dula ay may pamagat na hango sa bukambibig na salawikain, ang kwento ay pinaiikot dito upang magsilbing huwaran ng tao sa kanyang buhay.
Pagsulat Ng Malikhaing Komposisyon By Jacky Mae Selen
Angpanulaanotulaay isang uri ngsining atpanitikan na kilala sa malayang paggamit ngwika sa iba't ibang anyo at estilo. Pinagyayaman ito sa pamamagitan ng paggamit ngtayutay . Ang mga likhang panulaan ay tinatawag natula. Madaling makilala ang isang tula sapagkat karaniwan itong may batayan o pattern sa pagbigkas ng mga huling salita.
Binubuo ang tula ng saknong at taludtod. Karaniwan itong wawaluhin, lalabindalawahin, lalabing-animin, at lalabing-waluhing pantig. Matalinghaga at ginagamitan din ng tayutay. May tugma at sukat. Kung minsan ay maiksi o kaya naman ay mahaba.
Tinawag na maikli ang uri ng ganitong tula sapagkat binubuo lamang ang mga ito ng isang saknong na may tatlo hanggang limang taludtod.
Layunin Ng Akademikong Pagsulat By Lailane Allam
TANKA -Nagmula ito sa bansang Hapon, na binubuo ng 31 pantig ang isang saknong. Nahahati ito sa limang taludtod na may sukat na 5-7-5-7-7.

HAIKU - Isa sa mga pinakakilalang anyo ng maikling tula at nagmula rin sa bansang Hapon, binubuo ito ng tatlong taludtod na may sukat na 5-7-5.
Mula sa pangalan ng uri, ito ay sumasalamin lamang sa damdamin ng makata o sumusulat ng tula. Walang anumang konsiderasyon sa pagsulat nito ngunit ang damdamin o emosyon lamang ng sumusulat.
Panawagan Para Sa Entrada Viii
ELEHIYA - Isang uri naman ng malungkot at pagdadalamhating babasahin ang elehiya. Ito ay tulang damdamin na may temang kamatayan o pagluluksa.
SONETO - binubuo ng labing-apat na taludtod, na ang mga pahayag ay may kaakibat na matinding damdaming bunga ng mabigat na pagkukuro-kurong isinaad ng akda.
Isang uri ng tula na nagsasalaysay ng mga pangyayari sa pamamagitan ng mga taludtod. Naglalahad ito ng mga tagpo o pangyayari.
Ano Ang Elehiya, Kahulugan, Elemento At Halimbawa Nito
EPIKO - Ang epiko ay tulang pasalaysay na nagsasaad ng kabayanihan ng pangunahing tauhan. At makabuluhang kaganapang napapaloob sa isang lahi o bansa.
KORIDO - Mayroon itong sukat na wawaluhin at tumatalakay sa mga alamat o kuwentong may impluwensiya ng mga bansa mula sa Europa.
TULASINTA – ito ay isang uri ng damdamin ng isang tao, o maaari ding sa isang bahagi ng buhay nito, na isinasalaysay sa pamamagitan ng tula gamit ang payak, tapat, at makatotohanang paraan ng paglalahad.
Simple At Malikhaing Pagsulat Ng Pagsusulat Na Naghahanda Para Sa Eksaminasyon Sa Pasukan Sa Kolehiyo
KALUNOS-LUNOS - Tumatalakay ito sa pakikipagtunggali at pagkasawi ng isang pangunahing tauhan laban sa isang malakas na higit na makapangyarihan tulad ng tadhana.
PARSA - tampok dito ang mga eksaheradong linya, galaw ng mga tauhan, at tagpo, at nangangailangan ng mahusay na pagtatanghal ng mga nagsisiganap.
BALAGTASAN - Angbalagtasanay uri ng pagtatalo ng dalawang magkaibang panig ukol sa isang paksa. Hinango mula sa pangalan niFrancisco Balagtas, inilalahad ang sining na ito ang isang uri ng panitikan na kung saan ipinapahayag ang mga saloobin o pangangatwiran sa pamamagitan ng pananalitang may mga tugma sa huli.
Exploring Traditional Filipino Clothing: Kasuotang Pilipino At Katutubong
BATUTIAN – Ang batutian ay isang uri ngtulang patnigan na hinango sabalagtasan. Ipinangalan ito sa kinikilalang Unang Hari ng Balagtasan, sijose corazon de jesus (Huseng Batute). ginagawa ito sa mga lamayan upang libangin ang mga tao. Naglalaman ito ng katatawanan ngunit may kasama ring katotohanan.
DUPLO – ito ay Hango sa mga kasabihan, salawikain, at berso sa Bibliya ang inihahayag ng magkatunggaling makata, na nagpapagalingan sa pagbigkas at pagbibigay-katwiran ng kanilang panig.
KARAGATAN - Ang tulang ito ay ginagamit sa laro. Kadalasan itong ginaganap sa namatayan o may lamay at may matandang tutula ukol sa paksa ng laro. Ito ay nagmula sa isang alamat ng isang prinsesa na nahulugan ng singsing habang siya'y naglalakbay sa karagatan . Kung sino man ang makakita ng singsing ay siyang mapapakasalan ng prinsesa.

Prelim Elec 1 Malikhaing Pagsulat.pdf
Ang maikling kwento ay isang masining na anyo ng panitikan na naglalaman ng isang maiksing salaysay tungkol sa isang mahalagang pangyayari na kinabibilangan ng isa o ilang tauhan. Nag-iiwan ito ng isang kakintalan sa isip ng mga mambabasa.
Ayon kay Edgar Allan Poe, ang tinaguriang Ama ng Maikling Kwento ay isang akdang pampanitikang likha ng guniguni at bungang –isip na hango sa isang tunay na pangyayari sa buhay.
Noong panahon ng mga Amerikano, tinawag din na “dagli” ang maikling kwento at ginagawa itong libangan ng mga sundalo. Mga Elemento ng Maikling Kwento Mayroong labing-isang elemento ang maikling kwento.
Malikhaing Pagsulat: Tula
Ito ang problemang haharapin o kinahaharap ng tauhan o mga tauhan sa kwento. 4. Tunggalian Ang tunggalian ay may apat na uri:
Dito nakasaad ang lugar na pinangyarihan ng mga aksyon o mga insidente.Kasama din dito ang panahon kung kailan naganap ang kwento.
❏ Simula - Kabilang sa simula ang mga tauhan, tagpuan, at suliranin. Sa mga tauhan nalalaman kung sinu-sino ang magsisiganap sa kwento at kung ano ang papel na gaganapan ng bawat isa. Maaaring bida, kontrabida o suportang tauhan. Sa tagpuan nakasaad ang lugar na pinangyarihan ng mga aksyon o mga insidente kasama na dito ang panahon kung kailan naganap ang kwento. At ang bahagi ng suliranin ang siyang kababasahan ng problemang haharapin ng pangunahing tauhan.
Batayang Kaalaman Sa Pagsulat
❏ Gitna- ay binubuo ng saglit na kasiglahan, tunggalian, at kasukdulan. Ang saglit na kasiglahan ang naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang masasangkot sa suliranin.

❏ Wakas- ay binubuo ng kakalasan at katapusan. Ang kakalasan ang bahaging nagpapakita ng unti-unting pagbaba ng takbo ng kwento mula sa maigting na pangyayari sa kasukdulan, at ang katapusan ang bahaging kababasahan ng magiging resolusyon ng kwento. Maaring masaya o malungkot, pagkatalo o pagkapanalo.