mensahe ng noli me tangere at el filibusterismo

Game News Maniacontact fiverr/MuhammudAbuOntricky
Please wait 0 seconds...
Scroll Down and click on Go to Link for destination
Congrats! Link is Generated
mensahe ng noli me tangere at el filibusterismo

Ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo ay mga nobelang isinulat ng ating Pambansang Bayani na si Dr. Jose Protacio Rizal Mercado y Alonzo Realonda. Ano nga ba ang pagkakaiba ng dalawa sa iba't ibang kaligiran?

> Ang pagsusulat ng Noli Me Tangere ay bunga ng pagbasa ni Rizal sa Uncle Tom's Cabin ni Harriet Beacher Stowe, na pumapaksa sa kasaysayan ng mga aliping Negro sa kamay ng mga panginoong putting Amerikano. Inilarawan dito ang iba't ibang kalupitan at pagmamalabis ng mga Puti sa Itim. Inihambing niya ito sa kapalarang sinapit ng mga Pilipino sa kamay ng mga Kastila.

>Noli- Sinimulan ito sa Madrid noong siya ay nag-aaral pa ng medisina. Nang makatapos ng pag-aaral, nagtungo siya sa Paris at doon ipinagpatuloy ang pagsusulat nito. At sa Berlin natapos ni Rizal ang huling bahagi ng nobela.

Noli Me Tangere Buod (main Page) 2022

>El FIli- Sinimulan niya ito sa Calamba, Laguna habang nagpapraktis ng medisina. Itinuloy niya ito sa London at gumawa ng napakaraming pagbabago sa plot at ipinagbuti pa ang ilang mga kabanata. Ipinagpatuloy niya ito sa Paris, Madrid, Brussel at natapos sa Biarritz.

>El Fili- Isang Nagngangalang Valentin Viola na isa niyang kaibigan ang nagpahiram ng pera sa kanya upang maipalimbag ang aklat noong Setyembre 22, 1891.

Gaya ng sinasabi ng marami, para sa akin ay talagang mas angat sa mga katangiang pampanitikan at panlipunan ang Noli Me Tangere kaysa sa El Filibusterismo. Tulad ng Noli Me Tangere, ang El Filibusterismo ay may layuning panlipunan. Ang dalawang nobelang ito ay kapwa bunga ng isang uri ng pagbabangon sa katauhan ng bayani, na noong panahong iyon ay maituturing na isang matapang na hakbang sapagkat alipin ang mga Pilipino.

Pangkat Zinc (2018 2019): Buod Ng El Filibusterismo

Ngunit kakaiba sa Noli Me Tangere, ang paghahain ng katotohanan sa El Filibusterismo ay naglalayong ang bayan ay magising at maghimagsik, at hindi upang mangarap lamang ng pagbabago. Sa Noli ay may pangarap, may ganda, may damdamin ng pag-ibig, may awa. Sa Fili ay walang madarama kundi ibayong poot, kapaitan na tumitigid sa bawa't munting bahagi ng aklat, na bahagi ng bawat karanasan ng mga mahahalagang tauhan ng nobela.

Sa unang bahagi pa lamang ng nobela ay madarama na ang bumabasa ang tumutupok na damdamin ng pagbabangon. Ito ay kinakatawan ng mayamang mag-aalahas na si Simoun na nilalason ang puso ng layuning gisingin ang bayan upang makapagbangon laban sa pamahalaan. Muling nabuhay si Crisostomo Ibarra ng Noli sa katauhan ni Simoun sa Fili hindi upang mabuhay na muli ang kanyang sinasagisag na ideyalismo, ang kanyang magagandang pangarap sa buhay at pag-ibig. Sa kanyang pagkabuhay, namatay ang katauhan ng isang baguntaong matapos mag-aral nang mahabang panahon sa Europa ay nagnasang magpunla ng pagbabago sa bayan, hindi dahil sa pag-ibig sa bayang inaalipin kundi udyok ng mga dahilang pansarili. Ayon nga sa mananalaysay na si Rafael Palma, Si Crisostomo Ibarra ng Noli ay hindi katulad ni Simoun ng Fili. Si Ibarra ay nagtitiwala, naghihintay at umiibig. Si Simoun ay hindi na napapadaya, hindi nagtitiwala at napopoot. Si Crisostomo Ibarra ay humihiling na pagbabago, lumalapit sa katarungan at sa kabutihan ng pamahalaan. Si Simoun ay hindi humihiling bagkus nagmamalupit, bumubulok, nagpapabangon sa karahasan, sumisira at nagpapakamatay.

Madaling maunawaan kung bakit may malaking agwat ng pagbabago sa pagitan nina Crisostomo Ibarra ng Noli at Simoun ng Fili. Ang kondisyon ng isip ni Dr. Jose P. Rizal ang magpapaliwanag

Maria Clara And Ibarra

Getting Info...

Posting Komentar